Blog ko

Thursday, April 06, 2006

Bakit Dayuhang Pari?

Ngayon ko nabigyang pansin ang mga karapatan ng bawat bata. Parami ng parami ang mga taong hindi nagpapahalaga sa mga damdamin ng bawat musmos. Ang pinaiiral ng bawat tao ngayon ay ang tawag ng kanilang laman.

Nakakatuwang isipin na ang ginamit na mga pangunahing tauhan sa nasabing nobela ay mga pari... mga paring dayuhan. Ngunit, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit kaya dugong banyaga ang ginawang pangunahing tauhan...dahil ba sa hindi kaya ng Pinoy na mag- isip gaya ng pag- iisip ng mga paring tauhan sa kwento?

Walang duda sa kagalingan na ipinamalas ng may-akda sa nobelang ito, kaya lang, naisip ko lang kung ano ang mga maaaring naipahiwatig ng kwentong ito sa mga nakabasang mga dayuhan...

Mahina ba ang mga Pinoy?

May mga Pinoy na mala- Arcinas o mala- Carding.... ngunit naniniwala pa rin naman ako na marami pa ring Pinoy ang kayang maging Saenz at Lucero, Hindi nga lang sila nabibigyan ng pagkakataon dahil na rin siguro sa hindi pa kaya ng ating pamahalaan ang magbigay o mag- allocate ng budget para sa ganitong mga bagay.

Gusto ko kong bigyan ng pansin ang paglikha ng may- akda sa dayuhang pari bilang pangunahing tauhan sa kwentong ito. Gusto kong magtanong...

Una kong katanungan... Bakit ang dayuhang bida ang mabait at halos lahat ng Pinoy sa nobela ay masama?

May naging karanasan ba ang may- akda na masama sa mga Pilipinong nakapaligid sa kanya? Bilang isang Pinoy, napapansin ko, bakit lagi na lang ang kamalian ng isang tao ang ating napapansin... masyado tayong nagiging kritiko sa lahat ng bagay. Ang isang ginawang pagkakamali ng ay ang siyang maaalala ng lahat ng tao kahit na nga ba napakarami na niyang iubinigay na kabutihan. May mga Pinou na kagaya ni Arcinas, ngunit kaunti lang sila... sigurado akong kaunti lang sila... pero ang ugaling ito ang ating nakikitang lahat... Ang mga dayuhang mistulang maamong tupa na tumutulong daw sa atin... hindi natin alam yan... hindi natin sila kaugali... hindi ko ibig na sila'y hindi pagtiwalaan ngunit ako ay Pinoy.

Ikalawang katanungan... Bakit dentist?

I was hoping in the end that the killer would be someone from the main characters... its more suspensive when its like that... kasi nang masabi ang tungkol kay Alex... nawala na yung thrill ng pagbabasa... nang inilalahad na kung sino si alex... nawalan ako talaga ng ganang magbasa... Kumbaga... "Eto na pala ang killer, ayoko na!"

Ikatlong katanungan... May serial killer ba sa Pinas?

Wala, Filipinos are happy people... ang mga masayahing tao ay hindi pumapatay ng pinaplano at sunod sunod.. Masaya ang Pinoy... hindi mamamatay tao.