Blog ko

Tuesday, March 07, 2006

Ang Banahaw at ang Kwento sa Phillit

I was not prepared for the hard things I’ve experienced in Mt. Banahaw. My dad, before leaving the house advised me a thousand times never to ‘greet’ all the unnatural things I am to see there.

My dad was one of those who still believe in folklore. He and my late grandfather were of those who believe in the power of amulets, and the power of nature over us. In times like this, I am still proud, that even though we are living in a very permissive society, my father still finds this sort of beliefs in his heart.

Kakaiba ang Banahaw na aking nakita, at narating. Kaiba sa mundong aking ginagalawan. Ang mga tao’y animo dayuhan kung kami’y ituring ay pawing mga nagbibigay galang sa aming pagdating.

Buong akala ko’y ang pagpunta sa Bundok ng Banahaw ay isa lamang kompromiso na kailangang puntahan dahil kasama mo ang iyong mga kaibigan. Mali ako, dito sa Banahaw, nakita ko kung paano ako bilang isang kaibigan… bilang isang kaklase at bilang isang tao. Maaaring sa iba kong kasama, naging masama ang aking ginawa… ngunit sa iba naman ako daw ay nakatulong.

Sa aking pag- akyat, natutuhan ko kung paano ang maging isang conformist na tinatawag. Natutuwa ako dahil hindi ko inaasahan na ako ay makakatulong sa aking mga kaibigan, kaklase at mga kasama sa maliit kong kaalaman at kakayahan.

Sa panahon ng pangangailangan, dito mo malalaman kung sino ang tunay mong mga kasama at mga kaibigan.

Sabi sa amin, kailangan naming ilubog ang aming sarili sa ilog sa Banahaw upang kami’y maging malinis muli mula sa kasalanan. Ang sa akin, kahit na hindi na ko maging malinis, basta ako’y masaya a kasama ko ang aking mga kaibigan na nariyan at nagbibigay inspirasyon sa akin upang nang sa gayon ay maging isa akong kapakipakinabang na nilalang.

All the supernatural things that seemed to get into everyone’s mind that day, never got the chance to get stuck to it. Siguro dahil na rin sa hindi namin ito pinahintulutan.

Gaya ng hindi pagpapahintulot ng babae sa Tale of the Spinster and Peter Pan, kahit na anong kababalaghan pa ang kaniyang maranasan sa pagtingin sa binatang sa Joel, hindi niya pinahintulutan na ito’y makasumpong sa kaniyang pagkatao.

Kahit pa ito ang prince charming niya… hindi siya nag- asam… Sa aking palagay kaya siya tumaggi nung huli… kasi natakot siya sa sarili niya. Na kapag lumalim ang kanilang pagkakakilala, baka may mangyari kung saan masasaktan lamang siya. Siguro isa ang babaeng ito na maituturing kong mahina sapagkat hindi siya nagmahal… mula sa kaniyang puso,mananatili ang pakiramdam na umasam… at panghihinayang…