Saturday, February 11, 2006

Women In Love

May mga babaeng sadyang iba kung magmahal… si Tinang at si Ms. Mijares ay dalawa lamang sa mga babaeng aking nakilala kung saan nasukat ang kanilang pagiging babae sa pag- ibig.

Mahirap ang umasa, sa pag- ibig man o sa mga sari- sarili nating mga buhay. Mahirap ang umasa lalo’t wala namang katiyakan ang ating mga inaasahan.

Si Tinang ay isang babaeng may kakaibang karanasan… umibig at nasawi… nagpakasal at nagkaanak… nanatiling matatag. Marami ang nagtatanong kung anak kaya ni Tinang kay Amado ang batang kaniyang kalong? Sa aking palagay, hindi, may pagkakataong naging promiscuous si Tinang sa kanyang buhay… isang pagkakamaling sa tingin ko’y kanyang pinagsisihan. Hindi man nito mababago ang nakalipas, hindi rin naman siya naging duwag sa pagharap sa bagong hamon sa kanyang buhay. Si Inggo, na naging ama ng kaniyang anak para sa akin ay isang napakabuting ama. Ang ibinigay niyang tiwala sa kaniyang asawa, ukol sa panganay na anak kay Tinang ay kaniyang inako kahit pa sabihing hindi siya sigurado kung siya ang ama ng bata… Iang dakilang Gawain ang maging isang ama sa isang hindi kadugo.

Si Ms. Mijares, kahit na napaglipasan na ng panahon ay hindi nalimutang umibig. Naalala ko tuloy, sabi nila, ‘Lahat ng tao hindi pwedeng hindi makaranas umibig’. Totoong- totoo ito… kahit na anong mangyari, iibig at iibig ang isang tao, kahit anong pagsupil pa ng kaniyang damdamin ang kaniyang gawin, hindi niya ito mapipigilan.

Isa ako sa mga tong naniniwalang kailangan at dapat nating alagaan ang ating mga magulang kung sila’y matanda na. Kahit pa naging masama sila sa atin, hindi natin sila dapat pabayaan… alalahanin nating sila ang nagbigay sa atin g buhay kung kaya’t tayo naririto ngayon sa sangmaliwanag.

Ang babae ay isang napaka- complex na palaisipan. Hindi natin alam kung kailang sila talagang masaya, malungkot at galit… ika nga ng kaklase kong si Jet, ‘mahirap silang ispelengin!’

Humahanga ako sa kababaihan lalo na sa mga kababaihang Pinoy. May sarili silang paninindigan at may sarili silang prinsipyo. Hindi ko man gusto si Gloria Macapagal Arroyo, ngunit hinahangaan ko siya dahil hanggang ngayon ay nasa pwesto pa rin niya siya…

Si Tinang at Ms. Mijares ay mga babaeng nasawi ngunit bumabangong muli sa pagkakadapa… Hinahangaan ko sila… hindi sila nagpapatalo sa pag- ibig.

Sana’y isipin nating lahat na hindi katapusan ng mundo kung walang nagmamahal sayo tulad ng pagmamahal ng isang asawa… maraming kailangang patunayan. Marami pa tayong kailangan gawin.

Salamat.

Pakibasa ang susunod na artikulong Wowowee… KaWowowee…?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home