AKO... PINOY AKO
Ako si Carlo Jose E. Trinidad, mag- aaral sa ikatlong antas ng kurso ng Pamamahala at Pagnenegosyo dito sa napakakakaibang Kolehiyo ng De La Salle dito sa mala- paraisong lugar ng Canlubang.
Isa ako sa mga karaniwang esudyanteng naghihirap upang makatapos ng pag- aaral upang ng sa gayon ay magkaroon ng katiwasayan ang kalooban ng aking mga magulang.
Nakakatuwa mang isipin, ngunit malaki ang takot ng aking mga magulang sa akin dahil na rin sa mga nagawa kong hindi gaanong maganda nung una akong tumuntong sa Kolehiyo.
Isa kasi ako sa mga naniniwalang ang buhay ay masaya... Naniniwala akong ang ating buhay ay dapat nating ituring na wari'y laging kapanapanabik sa araw- araw.
Tuwing ako'y tumitingin sa mga talang nakasabog sa kadiliman ng gabi... iniisip ko laging iyon ang kauna- unahang beses ko silang makita... iniisip ko na napakaganda pala ng mga talang ito na ngayon ko lang napagmasdan.
Kapag ako'y kumakain... iniisip kong iyon lagi ang kauna- unahang beses kong kumain... para kahit ano mang pagkain ang ihain sa aking harapan lagi akong mainam kung kumain. Sabi ng nila, 'maraming bata ang nagugutom' kaya hindi dapat magsayang.
Maraming beses na akong nalungkot ngunit alam kong walang maidudulot na kabutihan ang kalungkutan sa aking pagiging estudyante kung kaya't lagi akong masigasig sa pagkakapantay- pantay ng bawat isang estudyante dito sa ating Kolehiyo.
Hindi naman ako malupit at naiinggit, ang sa akin lamang, sana'y maging pantay tayong lahat sa lahat ng bagay... kung ano ang ibinigay sa isa... dapat ibigay rin sa iba, lalo na sa mga nangangailangan.
_______________________________________________________
PINOY AKO
'Pinoy ako, Pinoy tayo
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang- iba ang Pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo...'
Baduy ba? Isa ito sa mga minahal kong awitin sa kasalukuyan... Lingid sa inyong kaalaman, kahit pa sabihan ako ng 'jologs' hindi ko itatanggi na gusto ko ang awiting ito.

Kahit anong hirap ang pagdaanan nating mga Pinoy, magkakasalungat man ang ating mga ideya, magkakaiba man ang ating relihiyon at paniniwala, magkakaibang tribo man nanggaling, dugong - Kayumanggi pa rin ang nananalaytay sa ating mga puso at kaluluwa.
Ipinagmamalaki kong ako ay ipinanganak na Pinoy, kahit na mahirap, alam ko na mas masaya ang maging isang Pinoy. Mas masay ang maging isang Kayumanggi, kahit na ano man ang mangyari, alam mong may dadamay at dadamay sa iyo.
Wala akong hihiraming kaisipan o pilosopiya sa ibang magagaling at eksperto dito man o sa labas ng ating lahi, dahil alam ko na bilang isang Pinoy, tungkulin kong magbahagi sa aking mga kalahi na magbigay ng kaisipan na sa akin mismo manggagaling upang maging isang produktibong mamamayan kahit sa maliit na pamamaraan.
Tandaan sana nating mga Pinoy na iisang lahi lang tayo... iisang bansa, sana'y bawat isa sa atin ay maging produktibong Pinoy....
1 Comments:
Ok, your blog showed how Pinoy you are. With the deep tagalog words you used to express that only Gods could comprehend i give you the credit for that one.
Enough with the pleasantries, now it's time for pay back. you have offended me with your comments... Joke lang. hehe.. got ya!!
It's ok that i see a different point of view with regards to my blog.
My point was that to make our country a better place for ourselves, i think the love coming from us, meaning being so-called nationalistic, just like how you used tagalog as a medium is something that i appreciate. i know you're wondering why i'm using English is because of function. Lets leave it that way, shall we...
we should appreciate our native tongue because no one else in this who'l use it except us. Right??
That's why, in the most simplest things just be communicating in tagalog could make a big difference, this will showcase our identity and heritage. Example: Japan, a progresive country but still communicating by use of Nihongo, and we're the once who has to adjust to them. Isn't that something??
When will we have that kind of sense of being a pinoy....
I guess we should start now....
Press Play to start...
Post a Comment
<< Home