Friday, April 07, 2006

Phillit

Ang masasabi ko lang... Iba ang natutuhan ko sa Phillit... hindi pang- akademikong kaalaman ang naibigay sa akin ng kursong ito... Higit na mahalaga ang natutuhan ko dito dahil natuto akong harapin ang realidad ng ating buhay. Ang hirap, sarap, lungkot, ligaya atgalit sa ating mga buhay ay ang ating magiging sandalan sa pagharap sa ating bukas.

Hindi kayang ituro ng diffcal kung paano ka babangon mula sa nasawing pag- ibig... Hindi accounting ang magtuturo sa iyo kung paano ang tunay na pagmamahal. Higit sa lahat hindi e- commerce ang magtuturo sa iyo kung paano muling umibig.

Ang Phillit (ang lahat ng aking mga kaklase) ang nagbigay linaw sa mga bagay na dati'y nakakagulo sa aking isipan. Ang masarap na pakikipagtalakayan sa klase ang nagsilbing venue para magkaunawaan ang buong klase.

Maraming Salamat

2 Comments:

Blogger rubysoho said...

how poetic :)

4:40 AM  
Blogger JP Loh said...

Gusto ko magkaron ng subject na PLAYAH1. Dahil gusto kong itry maging playa[h].

5:17 AM  

Post a Comment

<< Home